Posibleng umangkat ng mas maraming karne ng baboy ang pamahalaan ngayong taon dahil sa epekto ng african swine fever (ASF).
Batay ito sa inilabas na pagtaya at datos ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Service.
Posible umanong umangkat ng 300,000 metriko tonelada ng karne ng baboy ang pilipinas ngayong taon.
55% itong mas mataas sa 240,000 metric tons nuong nakaraang taon.
Batay rin sa pagtaya ng USDA Foreign Agricultural Service mas mababa ng halos 9% ang produksyon ng baboy sa Pilipinas ngayong taon dahil sa ASF.