Kilala natin ang camel dahil sa hump o umbok nito sa likod. Karamihan sa atin, iniisip na puro tubig lang ito, ngunit sa katunayan, puno ito ng collagen at fat.
Sa katunayan, delicacy ang camel hump na kadalasang inihahanda sa mga espesyal na okasyon sa ibang bansa tulad ng Egypt, Pakistan, at Saudi Arabia.
Noong ancient times nga, itinuring ang karneng ito na kasing halaga ng ginto dahil sa mabagal na reproduction period ng mga camel.
Sa paghahanda, nililinis muna nang mabuti ang camel hump. Gagamitan ito ng tuwalya upang matanggal ang surface moisture o tubig-tubig mula sa karne.
Kapag tiyak nang malinis ito, lalagyan ito ng asin. Bukod sa pampalasa, natatanggal din ng asin ang matapang na amoy ng karne.
Matapos ang kalahating oras, ibababad sa malinis na tubig ang karne upang mawala ang asin at iba pang mga dumi. Magdadagdag din ito ng moisture upang maiwasan ang pagkatuyot.
Matapos nito, lalagyan na ng spices tulad ng cumin powder at chili ang karne. Pwede na itong lutuin.
Ayon sa mga nakakain na ng camel hump meat, lasa itong baka at kambing na may sweet aftertaste.
Hindi lang tender ang karne ng camel; malaman at makatas din ito.
Bukod sa masarap, puno ito ng nutrients, protein, at vitamins tulad ng vitamin E at vitamin B.
Kakaiba man para sa atin, safe, delicious, at enjoyable ang pagkain ng camel hump meat para sa ibang kultura.
Ikaw, susubukan mo bang kumain ng camel hump meat?