Sa Pilipinas, itinuturing na peste ang daga dahil madumi at nagdadala ito ng iba’t ibang uri ng sakit. Pero alam mo bang sa Vietnam, isa ito sa mga pinakasikat nilang delicacy na paborito kahit ng mga bata?
Maraming klase ng luto ang daga, mapa-sabaw, inihaw, o curry man yan. Pinaka-patok dito ang fried rat na nagkakahalaga ng $4 o humigit-kumulang P200 kada kilo. Mas mahal ito kaysa sa karne ng baka, tupa, at manok sa Vietnam.
Nagsimula ang pagkain ng mga Vietnamese ng daga dahil sa kahirapan. Upang protektahan ang kanilang ani, hinuhuli ng mga magsasaka ang rice field rats. Para hindi masayang, sinubukan nila itong lutuin. Sa paglipas ng panahon, nasanay na sila sa lasa ng daga hanggang sa naging paborito na nila itong putahe.
Crispy on the outside and tender on the inside kung ilarawan ang fried rat. Masarap din umano ito dahil sa inilalagay na seasonings katulad ng paminta, asin, bawang, cumin, sili, at lemon juice. Para sa mga nakatikim na, malapit ang lasa nito sa karne ng rabbit.
Nutritious din ito dahil sa taglay nitong high protein at low fat.
Sa ngayon, hindi na dahil sa kahirapan kaya kumakain ng daga ang mga tao, kundi dahil sa choice nila ito.
Kaya ikaw, susubukan mo bang kumain ng daga?