Nag positibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang karneng baboy na ibinibenta sa isang malaking grocery store sa Quezon City.
Nuong Disyembre 19 nang kumpiskahin at isalang sa test ang mga karneng baboy na itinitinda sa SM Cherry Supermarket.
Kaugnay nito, ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pinatawan na ng suspensiyon ang supplier ng naturang mga karne na North Star Meat Merchants.
Bilang pagtalima, itinigil na ng kumpanya ang kanilang operasyon at nilinisan na ang lahat ng kanilang gamit at pasilidad.
Pina-iimbestigahan din ni Dar kung bakit nabigyan ng NMIS certificate ang mga karneng baboy na nagpositibo sa ASF.