Namemeligro pang mag-mahal ang lokal at imported na baboy bago mag-Disyembre.
Aabot sa P20 ang posibleng itaas ng presyo ng kada kilo ng baboy dahil sa pagmahal ng raw materials ng feeds at patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines president Nick Briones, naka-apekto rin ang African Swine Fever (ASF) na hanggang ngayo’y dama ng mga hog raiser sa bansa.
Marami pa anyang rehiyon ang may mga kaso ng ASF at nasa 22 bayan sa 12 lalawigan ang may mga aktibong kaso.
Iginiit ni Briones na hindi pa nakababawi ang mga magbababoy dahil hindi pa tuluyang nasosolusyonan ang kanilang problema.
Inaasahang tataas pa ang demand sa baboy at manok habang papalapit ang holiday season.