Kasabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan limampu’t siyam na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, naglunsad din ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa Cebu City, kahapon.
Kabilang sa dinagsa ng mga demonstrador ang Colon street, Freedom Park at Fuente Osmea Circle.
Ilan sa panawagan ng sentro ng nagkakaisa at progresibong manggagawa at partido ng manggagawa ang dagdag-sahod dahil sa walang prenong pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo ng pagkain, krudo at singil sa kuryente.
Dapat anilang maglatag ng malinaw na solusyon ang pamahalaan sa kinakaharap na economic crisis upang mapigilang malugmok ang mas maraming mamamayan sa kahirapan.