Muling sumirit ang bilang ng namamatay sa malaria makaraang maantala ng COVID-19 pandemic ang mga hakbang upang mapuksa ang nasabing mosquito-borne disease.
Ayon sa World Health Organization (WHO), lumobo sa 241 million ang malaria cases noong isang taon kumpara sa 227 million noong 2019.
Umabot naman sa 627,000 ang bilang ng namatay noong 2020 kumpara sa 69,000 noong 2019.
Aminado ang W.H.O. na bumababa na ang kaso ng malaria bago sumiklab ang SARS Coronavirus-2 pero simula noong 2019 ay mas nakatuon na ang mundo sa COVID-19.
Kabilang sa mga nakapagpalala ng sitwasyon ang pagkakabalam ng pagbibigay ng malaria prevention, diagnosis at treatment kahit may COVID pandemic.
Karamihan sa pinaka-matinding apektado ng malaria ay mga bansa sa Africa kung saan 96% ng nagkasakit ay namatay at mayorya o 80% nito ay batang edad lima pababa. —sa panulat ni Drew Nacino