Naglunsad ng kilos-protesta ang ilang makakaliwang grupo kasabay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lungsod ng Maynila.
Dahil pinagbawalan ang mga raliyista na makalapit sa paligid ng National Museum, partikular sa Liwasang Bonifacio kaya’t lumipat ang mga ito sa Plaza Miranda, Quiapo upang matiyak ang mapayapang demonstrasyon.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan.
Una nang nagpulong ang Philippine National Police at si BAYAN Secretary General Renato Reyes para sa isang last-minute dialogue, kaninang umaga.
Samantala, ilang grupo rin ng kabataan ang nag-rally sa Plaza Miranda. —ulat mula kay Raoul C Esperas (Patrol 45), Aya Yupangco (Patrol 5)