Tinapos na ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Francisko “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang dalawang araw na paglilibot sa lalawigan ng Batangas.
Ito’y sa gitna ng nag-a-alburotong bulkang Taal na maka-ilang beses sumabog habang nasa lalawigan ang team Isko.
Isa pang grand rally para kay Domagoso ang inilunsad sa lungsod ng Sto. Tomas na dinaluhan ng mahigit 25,000 katao.
Nitong Sabado naman isa pang motorcade ang isinagawa ng kampo ng alkalde sa mga bayan ng San Nicolas, Bauan at lungsod ng sto. Tomas bilang bahagi ng panliligaw ni Yorme sa boto ng mahigit isa punto pitong milyong Batangueño.
Noon namang Biyernes ay nasa 65,000 katao ang dumalo at nagpahayag ng suporta sa standard bearer ng Aksyon Demokratiko kasabay ng Bagong Lipa Grand Proclamation Rally sa Lipa City.