Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa matataong lugar sa Metro Manila.
Ipinag-utos na ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng unit commander sa National Capital Region ang pagpapatupad kasunod ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Matatandaang ikinabahala ng kagawaran ng kalusugan at ng ilang mga eksperto ang tila pagsasawalang bahala ng publiko sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.
Ayon kay Eleazar, nauunawaan nila ang pagkabahala ng mga kinauukulan kaya inilalatag na ng kaniyang mga tauhan ang mahigpit na pagpapatupad ng public health and safety standards sa mga simbahan, mall, pasyalan at iba pang matataong lugar sa Metro Manila.—sa panulat ni Angelica Doctolero—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)