Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan o Eid’l Fitr, nagtipon-tipon ang mga muslim leaders at community members sa Blue Masjid, Islamic and Cultural Center o Blue Mosque sa Taguig City, kagabi.
Ayon kay Blue Mosque Adminsitrator, Hadji Amer Bacarat, kabilang sa kanilang panalangin ang mapayapang eleksyon sa Mayo a – nwebe.
Kumpiyansa anya sila na magiging mapayapa at walang dayaan ang halalan lalo’t Muslim ang kasalukuyang Chairman ng Commission on Elections (COMELEC) na si Saidamen Pangarungan.
Ganito rin ang naging pagsalubong sa Eid’l Fitr ng Muslim community sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.
Samantala, nagdiriwang din ang mga residente ng Marawi City, Lanao Del Sur sa kabila ng epekto ng digmaan sa kanilang buhay, halos limang taon na ang nakalilipas.
Inihayag ni Bangsamoro Transition Authority Parliament Member Zia Alonto-Adiong na ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay hudyat ng panibagong pag-asa para sa mga taga-Marawi, lalo’t nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi Compensation Law.