Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis ng mga estero, kasabay ng opisyal ng pagpasok ng tag-ulan.
Bahagi ng Clean Up Drive ang Dredging Operations sa mga waterways sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kasabay ng operasyon ang pagbabaklas sa campaign materials na bumabara sa mga drainage; rehabilitation ng mga pumping station at konstruksyon ng mga bagong pumping station.
Tiniyak naman ni Artes na may sapat na power at fuel supply sila upang maiwasang pumalya ang mga nasa 30 pumping stations sa Metro Manila.
Bukod sa regular maintenance ng pumping stations, nagsagawa rin ng desilting at dredging sa mga ilog upang maiwasan ang pagbaha.
Samantala, umapela naman si Artes sa publiko na itapon nang maayos ang kanilang mga basura na kadalasang sanhi ng pagbaha.