Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na kasakiman sa pondo ng ilang opisyal ang dapat na sisihin sakaling hindi aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 3.7 trillion peso-national budget.
Paulit-ulit na sinabi ng senador na hitik sa pang-aabuso ang panukalang pambansang pondo dahil sa mga nadiskubreng insertions at re-alignments ng ilang mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Dagdag pa ni Lacson, may kakayahan naman ang pangulo na i-veto ang kabuuan o ilang bahagi ng pambansang pondo.
Handa na rin aniya siya na makipaglaban para sa hihinging pondo ng gobyerno para sa susunod na taon sa pagbubukas ng 18th congress sa buwan ng Hulyo.