Libre na ang kasal, binyag at libing sa lahat ng simbahang saklaw ng Ecclesiastical Province o Archdiocese of Manila, simula sa Nobyembre.
Ito, ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, ay makaraang alisin ang “arancel o fixed rate” ng mga sakramento ng simbahang katolika.
Layunin anya nito na tuluyang mabura sa isip ng publiko na binabayaran ang mga sakramentong ibinibigay ng simbahan.
Aminado si Pabillo na sa tingin ng marami ay ma-pe-presyuan ang mga serbisyo ng simbahang Katolika.
Sakop ng archdiocese ang mga diocese of Antipolo at buong Rizal; Cubao, Quezon City; Imus at buong Cavite; Kalookan; Malolos at buong Bulacan; Novaliches; Parañaque; Pasig at San Pablo, Laguna.
By: Drew Nacino