Kasado na ang kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Nobyembre.
Ayon kay Carla, kahit papaano ay naitatawid nila ang mga hamon sa kanilang nalalapit na kasal sa gitna ng COVID-19 pandemic.
October 2020 nang ma-engage ang Kapuso couple.
Matatandaang nag-trending sa social media ang wedding banns o “tawag sa kasal” nina Carla at Tom dahil sa facebook post ng Parokya ni San Guillermo, kung saan kasama ang ilang detalye sa kanilang kasal tulad ng eksaktong petsa at kung saan ito idadaos.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico