Mistulang desperado na ang kasalukuyang administrasyon na patalsikin sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang binig-yang diin ni Atty. Carlo Cruz, isa sa mga taga-pagsalita ng punong mahistrado matapos lumabas ang mga ulat na posibleng gamitin ang nakuhang “low grade” ni Sereno sa psychiatric examination para mapatalsik ito sa pwesto.
Paniwala ni Cruz, walang kinalaman ang lagpak na psychiatric score ni Sereno sa impeachment complaint na kinakaharap nito.
Hindi maintindihan ni Cruz kung bakit tinatalakay ang nasabing isyu gayung malinaw naman aniyang isang paraan lamang ito para sirain ang pagkatao ng punong mahistrado.
Una nang kinumpirma sa House Inquiry ni Former Clerk of Court Atty. Enriqueta Vidal na hindi nakapasa si Sereno sa kanyang psychiatric test makaraang makakuha ng bagsak na gradong Four.
Isa ang psychiatrict examination sa mga kailangang maipasa ng mga nag-aambisyong maging Supreme Court Chief Justice.
Posted by: Robert Eugenio