Ibinasura ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez ang mungkahing i-adopt ang Comprehensive Tax Reform Program ng kasakukuyang administrasyon.
Ayon kay Dominguez, magkakaroon ng sariling bersyon ng Comprehensive Tax Reform Package o CTRP ang Duterte Administration sa Setyembre.
Gayunman, babasahin pa rin anya nito ang CTRP ni Secretary Cesar Purisima kung mayroong maaring i-adopt ay kanilang ikukunsidera.
Kabilang sa key points sa CTRP ni Purisima ay ang pagtataas sa Value Added Tax Rate sa 14 % mula sa 12 % at expansion ng VAT coverage.
Gayunman, inihayag ni Dominguez na hindi kasama sa kanilang plano ang pagtataas sa VAT.
Isusulong din ng susunod na administrasyon ang review sa tax brackets ng Bureau of Internal Revenue na ginagamit na basehan sa pagbabayad ng buwis.
By: Drew Nacino