Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad sa Mangaldan, Pangasinan ang kasambahay na tumangay umano sa alahas at pera ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.
Kinumpirma ni Lt. Col. Vicente Castor, Hepe ng Mangaldan Police na inaresto kahapon si Marilou Fernandez Alyas Marilou Morales, subalit sa isang hiwalay na robbery complaint na isinampa sa Laguna.
Pasado alas tres anya ng hapon nang masakote si Fernandez sa Barangay Gueguesangen, kung saan ito naninirahan.
Personal namang nagtungo si libiran sa himpilan ng pulisya at hinarap ang suspek.
Tinatayang P1.2M ang halaga ng mga ninakaw sa DOTR official, na kinabibilangan ng mga singsing, diamond earrings, apple watch at techno-marine watch.