Isinapubliko ng mag-asawang Kristine at Oyo Sotto sa kanilang instagram account ang ultrasound ng kanilang ika-5 anak na lalaki.
Ayon kay Oyo, ipinagpapasalamat nila sa Diyos ang anak sa kabila ng hinihiling sana nila ay babae.
Pabirong caption ni Oyo sa kanyang instagram account, “So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito?”
Matatandaang mayroon ng apat na anak ang mag-asawa na sina Kiel, Kaleb, Vin, at Ondrea.— sa panulat ni Agustina Nolasco