Ipinababasura ni dating Health Secretary Janette Garin ang kaso laban sa kanya kaugnay sa maanomalyang anti dengue vaccine na Dengvaxia.
Sa kanyang isinumiteng kontra salaysay sa preliminary investigation sa Department of Justice , sinabi ni Garin na walang probable cause at hindi sapat ang ebidensya ng reklamong isinampa laban sa kanya ng mga magulang ng mga namatay dahil umano sa Dengvaxia.
Si Garin at ang iba pang dating opisyal ng DOH ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person at torture committed against children na paglabag sa RA 9745.
Samantala , hindi naman muling sumipot sa naturang pagdinig si Health Secretary Francisco Duque the Third na nahaharap sa kaparehong kaso.
Nadawit sa kaso si Duque dahil apat sa mga naturukan ng Dengvaxia ang namatay sa ilalim ng panunungkulan nito.