Haharapin ni dating Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Commander Chief Supt. Getulio Napeñas ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa Mamasapano incident.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Napeñas bagamat napatunayan naman sa maraming imbestigasyon kung sino ang mastermind sa operasyon para arestuhin ang international terrorist na si Zulkifli Binhir alias Marwan.
Nanindigan si Napeñas sa posisyong sumunod lamang siya sa nakakataas sa kanya kaugnay sa nasabing operasyon.
Bahagi ng pahayag ni Getulio Napeñas
Ipinabatid ni Napeñas na naghahanap buhay pa rin siya dahil wala naman siyang nakuhang benepisyo mula sa kaniyang pagreretiro sa serbisyo matapos ang kontrobersya sa pagkamatay ng SAF 44.
Bahagi ng pahayag ni Getulio Napeñas
American soldiers
Itinanggi ni Napeñas ang kinalaman ng mga Amerikanong sundalo sa kabuuan ng kontrobersyal na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kung saan nasawi ang 44 na SAF commandos.
Inamin naman sa DWIZ ni Napeñas na tumulong ang CIA o Central Intelligence Agency ng Amerika sa intelligence gathering para maaresto ang isa sa tinaguriang international terrorist na si Marwan.
Ayon kay Napeñas, ang naging papel naman ng Amerika sa nasabing operasyon ay naaayon sa kasunduan ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Getulio Napeñas
By Judith Larino | Credit to: Karambola (Interview)