Posibleng may masampahan na ng kaso kaugnay sa walang habas na pamamaslang sa 3 lumad leader sa Surigao del Sur
Ito ang kinumpirma ng National Commission for Culture and Arts na siyang nakatutok sa pangangalaga sa mga katutubo ng bansa kabilang na ang mga lumad
Ayon kay Atty. Trixie Angeles, legal counsel ng NCCA, bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na idipensa ang mga lumad mula sa karahasan at panggugulo sa kanilang tribu.
Sinabi pa ni Angeles na resulta lamang ito ng ginagawang efforts mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan dahil na rin sa mga sumbong na kanilang natatanggap mula sa mga katutubo.
By: Jaymark Dagala