Ibinasura ng Sandiganbayan ang dalawang civil case laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., dating first lady Imelda Marcos, dating presidential legal counsel Juan Ponce Enrile, at iba pa kaugnay sa sinasabing pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon sa resolusyon na inilabas ng anti-graft court, ibinasura ang mga kaso matapos iurong ng pamahalaan ang mga demanda kaugnay sa sinasabing maanumlyang paggamit sa coco levy fund.
Nauna na ring nagpasya ang presidential Commission on Good Government na hindi na nito itutuloy ang paghahabol sa danyos na kanilang hinihiling sa mga inihaing reklamo.
Mababatid na nagsampa ng reklamo ang PCGG noong July 31, 1987 upang mabawi ang mga yaman ng defendant. – Sa panulat ni John Riz Calata