Ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga kasong katiwalian at terorismo laban kina Sen. Leila De Lima at dating Sulu Vice Governo Abdusakur Tan.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagpapalaya umano ni De Lima sa ilang hinihinalang miyembro ng Abu Sayaf Group nuong siya’y kalihim pa ng DOJ o Department Of Justice nuong taong 2013.
Maliban kina De Lima at Tan, inakusahan din ang dating Chairman ng National Commission on Muslim Filipinos Mehol Sadain at dating Commissioner Edilwasif Baddiri ng dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service.
Pero batay sa inilabas na joint resolution ng Tanod – Bayan, bigong patunayan ng mga nagrereklamo ang kanilang mga alegasyon laban sa mga nabanggit na opisyal kaya’t nagpasya silang idismiss ang kaso.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio