Nagsumite ng supplemental complaint affidavit ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa Department of Justice o DOJ.
Kaugnay ito sa kasong isinampa na ng grupo laban kay Senadora Leila de Lima dahil sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga.
Kasama sa mga isinumite ng VACC ay ang findings ng House Committee on Justice hinggil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.
Una rito, lumabas sa committee report ng Kamara ang rekumendasyon nito na sampahan ng kaso si De Lima dahil sa pagtanggap nito ng milyun-milyong piso upang pondohan ang kaniyang kandidatura nitong nakalipas na halalan.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo