Nakahanda na ang iba’t ibang grupo na magsasampa ng kaso laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating bise presidente Jejomar Binay, oras na mawalan ng immunity ang mga ito.
Ayon kay VACC Spokesman Boy Evangelista, kanilang kakasuhan si Aquino, kasama sina dating PNP Chief Allan Purisima at Special Action Force Head Getulio Napeñas kaugnay sa engkwentro sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng SAF.
Sinabi din ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales na kanila nang maihahain sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Binay, na kasama ni dating Mayor Junjun Binay sa kaso.
Maging si incoming DAR Sec. Rafael Mariano ay mayroon din nakahandang kaso laban kay Aquino hinggil sa Disbursement Acceleration Program.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau