Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ibinasura na ng Qatari government ang kaso ng 17 Pilipino na inaresto matapos nagsagawa ng illegal na demonstrador.
Ayon kay Undersecretary Castro, nakausap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Qatari Ambassador na si Ahmed Bin Saad Al-Homidi upang i-abswelto ang 17 Pinoy.
Sinabi anya ni Al-Homidi na reflection ito ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Matatandaang inaresto ang 17 OFW noong March 27 sa Qatar matapos mag-kilos protesta bilang suporta sa panawagan ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa na pauwiin na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa Netherlands. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)