Absuwelto ang driver ng oil tanker na nakasagasa sa 16-anyos na motorcycle driver sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Ipinabatid ni SPO1 Zandro Quijote, imbestigador sa kaso na nagkasundo ang pamilya ng biktima na si John Mark Navarro at driver na si Tedy Gotis na huwag nang ituloy ang kaso.
Isang amicable settlement na lamang ang nangyari matapos makausap ng ina ng biktima ang mga kinatawan ng pinapasukang kumpanya ni Gotis.
Mahigit P200,000 ang hinihingi ng pamilya ni Navarro at ang nasabing halaga ay ibibigay ng kumpanya ni Gotis.
Namatay on the spot si Navarro matapos na bumangga sa tagiliran ng oil tanker na ayon sa imbestigasyon ay nakainom, walang helmet at nagpapatakbo nang matulin nang maganap ang aksidente.
—-