Nanawagan si UN special Rapporteur Mary Lawlor sa awtoridad sa Pilipinas na i-atras na ang mga kaso laban sa human rights defenders.
Sa gitna na rin ito nang pagsalang sa witness stand ng national officers ng karapatan sa perjury case na isinampa ni outgoing national security adviser Hermogenes Esperon, Jr. laban sa grupo.
Sinabi ni Lawlo na ang paghahain ng kaso ay malinaw na retaliation o pagganti sa mga hakbangin ng human rights defenders ng bansa.
Una nang inihayag ng karapatan na ang kaso ay isinampa nila katuwang ang Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines matapos nilang isama si Esperon bilang respondent sa mga inihain nilang petition for writs of amparo at habeas corpus.