Ikinakasa na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng Kapa Ministry matapos masangkot sa umano’y investment scam.
Ayon sa NBI, lumabag ang Kapa Ministry sa Section 8 at 26 ng Securities Regulation Act nang madiskubre na walang lisenya ang mga ito at may maanomalyang aktibidad.
Gayunman, inamin ni NBI NCR Regional Director Atty. Cesar Bacani na wala pang silang natatanggap na reklamo mula sa mga biktima kaya’t hindi pa nasasampahan ng estafa ang samahan.
Patuloy aniya raw kasi na nakatatanggap ang mga ito ng 30% interest o tinatawag na “blessing”.