Tuloy-tuloy ang isinasagawang case build up ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga kandidato ngayong 2019 midterm elections na nakitaan ng paglabag sa omnibus election code.
Ito ang inihayag ni Comelec Spokesman Director James Jimenez kasabay ng pag-arangkada ng kampanya para sa mga lokal na kandidato na ngayong araw.
Ayon kay Jimenez, desidido silang ituloy ang mga kaso laban sa mga lumalabag na kandidato hanggang sa meron silang ma-diskuwalipika.
Una nang inihayag ng Comelec na dalawang kandidato sa lokal na posisyon noong 2013 at 2016 elections ang pormal na nilang kinasuhan dahil sa paglabag sa campaign poster rule.
“As always ang basis ng complaints natin ay ang size at location, hindi ko alam kung napapansin ninyo, ang isang Commissioner namin ay tutok na tutok dito talagang binabantayan niya ang mga galaw ng mga kandidato at talagang nagbibigay siya ng utos sa mga field officer natin to make sure na mapadalhan sila ng notice at kung puwede makakasuhan talaga, desisdido naman kami na ituloy ang laban na ito hangga’t may naipapa-disqualify tayo.” Ani Jimenez
Kasabay nito, pinayuhan ni Jimenez ang mga kandidato na tiyaking tama ang sukat ng kanilang mga posters gayundin ang lugar na pinaglagyan nito.
“Sabihin na natin na tinatanggap na namin ang inyong salaysay na hindi kayo ang nagkabit niyan gayunpaman sinabihan namin kayo and therefore may responsibilidad kayo na tanggalin ang mga illegal materials, kasi kapag hindi ninyo tinanggal ang responsibility ninyo is not for posting the materials per se pero for allowing an illegal act to continue kumbaga hinayaan mo ang isang bagay na iligal na hindi matanggal.” Pahayag ni Jimenez
(Ratsada Balita Interview)