Inihahanda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kaso laban sa mga miyembro ng Anakpawis na nagsagawa ng relief operations sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, nilabag ng Anakpawis ang quarantine rules nang bumiyahe sila at inilagay sap panganib ang buhay ng mga residente ng Norzagaray Bulacan.
Gumamit rin anya ng hindi otorisadong food pass na inilagay sa windshield ng kanilang jeepney ang Anakpawis subalit nasabat sila sa checkpoint sa Bigte, Norzagaray Bulacan.
Una rito, inaresto si dating Anakpawis Cong. Ariel Casilao at anim na volunteers ng Anakpawis dahil sa ‘di umano’y paglabag sa mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.