Ikinakasa na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaso laban sa mga pulis na nahuli sa pangongotong.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Chief Guillermo Eleazar, titiyakin niyang masisibak sa serbisyo at hindi lamang sa puwesto ang mga tunay na sangkot sa krimen.
Sigurado na anyang sibak sa serbisyo ang mangyayari sa kasong grave misconduct na inihahanda nila samantalang kulong naman ang katapat ng kasong robbery extortion.
Una rito, nadakip sa entrapment operations sa Pasig City si Police Corporal Marlo Siblao Quibete at natuklasan pang kasabwat nito ang hepe at iba pang miyembro ng Pasig Drug Enforcement Unit.
Naaresto rin sa Pasay ang pulis na si Police Corporal Anwar Encarnacion Nasser dahil sa extortion at kidnapping.
“Ako naniniwala ako na magdadalawang-isip ang patrol man gumawa ng kalokohan kung alam niyang hindi siya ito-tolerate ng kanyang commander, ng kanyang mga kasamahan at ng kanyang organisasyon, kaya ni-relieve nga natin ‘yung chief of police ng Pasay, ni-relieve nating ‘yung district director ng EPD dahil mismong ‘yung kanilang drug enforcement units ang deretsong accountable for it kaya sila natanggal.” Pahayag ni Eleazar
(Ratsada Balita Interview)