Tiniyak ng Baguio City Police Office na kanilang sisilipin ang naging buhay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ng PMA hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.
Iyan ang inihayag sa DWIZ ni Baguio City Police Chief P/Col. Allen Rae Co makaraang maikasa na ang mga isasampa nilang kaso laban sa 9 na suspek sa pagkamatay ni Dormitorio na kadete ng PMA o Philippine Military Academy.
Sinabi pa ni Co na kumpiyansa silang titindig sa korte ang isasampa nilang reklamo laban sa mga suspek lalo’t una na niyang isinalarawan na mala-impiyerno ang sinapit ni Dormitorio sa kamay ng kaniyang mga upperclassmen.
“It’s very nice naman po. Very productive po yung naging case conference namin dito kasama si Dexter. So, I would assume na we’ll be ready to file the case or to refer the case to the prosecutor by early next week po,” ani Co.
Kasunod nito, sinabi ni Co na hinihintay na lamang nila kung ano ang magiging resulta ng isinagawang hiwalay na imbestigasyon ng pamunuan ng PMA sa kaso subalit inaasahan niyang mapapasakamay din nila ang kostudiya sa mga kadeteng sangkot dito
“I understand if they are still under investigation. Now, we are hoping after referring this case to the prosecutor’s office, they will find probable cause, they will determine probable cause so they will be filing it sa korte po. Hindi ko po sila pinapangunahan pero yun nga po ang inaasahan natin,” ani Co — sa panayam ng Sapol ni Jarius Bondoc