Mariing inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikinakasa na nila ang kasong isasampa laban sa transport group na PISTON.
Ginawa ng LTFRB ang pahayag, kasunod ng dalawang araw na transport strike ng grupo bilang pagtutol sa napipintong pag-phase out ng mga jeepney bilang bahagi ng transport modernization program.
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, malinaw sa isang memorandum circular na inilabas ng kanilang tanggapan na bawal sa mga transport group at mga operator na makilahok sa mga kilos protesta.