Posibleng mapatawan ng suspensiyon o tuluyan nang matanggal sa pwesto ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, inihahanda na ang mga kasong grave neglect of duty at grave misconduct si Castro sa Office of the Ombudsman na posibleng magdulot ng pagkatanggal nito sa serbisyo.
Nilinaw ni Malaya na si Castro ay maituturing pa ring public official dahil nakapag – oath pa ito nang mahalal bilang barangay captain ng Barangay 484 Zone 48 sa Maynila.
Kahit pa nga AWOL o Absence Without Leave si Castro na ngayon ay nasa Amerika ay ikinokonsidera pa rin siyang opisyal ng barangay.
Matatandaang pinangalanan si Castro bilang drug queen sa pagdinig ng Senado dahil sa pakikipag ugnayan nito sa mga ‘ninja cops’.