Tulong at hindi areglo ang tig-isang milyong pisong tinanggap ng pamilya ng mga biktima ng pag-atake sa Resorts World Manila.
Nilinaw ito ng pamilya ng mga biktima kayat tuloy ang kasong isasampa nila laban sa pamunuan ng Resorts World.
Desidido anila silang kasuhan ang Resorts World dahil sa maluwag na seguridad nito kayat mabilis na nakapasok ang lone gunman na si Jessie Carlos.
Bukod sa isang milyong piso, nagbigay na rin umano ng limampung libong piso (P50,000) ang Resorts World sa kada pamilya, isang araw matapos ang insidente.
By Judith Larino
Kaso laban vs. Resorts World itutuloy ng pamilya ng mga biktima was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882