Bumaba na sa .55 ang reproduction number ng COVID-19 sa Davao City na nananatiling nasa moderate risk.
Ayon ito kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA research group matapos maitala sa 122 ang 7 day average ng mga bagong kaso ng COVID-19 o 31% na pagbaba mula sa nakalipas na linggo.
Ipinabatid ni David na moderate ring maikukunsider ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) ng Davao City na nasa 6.71 per day per 1,000.