Malaki ang ibinagsak ng mga kaso ng abortion sa nakaraang 25 taon sa mga mayayamang bansa sa mundo.
Gayunman, natuklasan din sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO at Guttmacher Institute na maliit lamang ang ibinaba sa abortion rate sa mga mahihirap na bansa.
Nabatid sa pag-aaral na ang pagpapatupad ng mahigpit na batas ay hindi nakapagpapababa sa mga insidente ng aborsyon kundi lalo lamang umano itong nagtutulak sa tao para sumailalim sa hindi ligtas na pagpapalaglag.
Lumitaw na 56 na milyong kaso ng aborsyon ang naitala sa buong mundo mula 2010 hanggang 2014.
Ayon kay Research Head Gilda Sedgh, 80 porsyento ng unintended pregnancies sa mga kababaihan ay hindi nabibigyan ng karampatang contraception.
By Jelbert Perdez