Kontrolado na ng Department of Agriculture o D.A ang kaso ng ASF o African Swine Fever sa bansa.
Ito ang tiniyak ng D.A, isang araw matapos nilang kumpirmahin na ASF ang dahilan ng pagkamatay ilang mga alagang baboy sa Rizal.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, walang nang ASF sa Pilipinas matapos nilang ma-contained ang sakit at ma-disinfect ang mga lugar na naapektuhan ng nabanggit na sakit.
Dagdag ni Reyes, maliban sa naitalang kaso sa Rizal, wala pa aniyang kumpirmadong kaso ng ASF sa iba pang lugar sa bansa.
Gayunman, iginiit ni Reyes na patuloy pa ring nakabantay ang D.A sa ilang mga lugar na may napapaulat na hindi pangkaraniwang pagkamatay na mga alagang baboy.