Ibinabala ng PNP Highway Patrol Group ang posibleng pagtaas pa ng kaso ng aksidente sa mga kalsada ngayong papasok na BER months.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Superintendent Oliver Tanseco, ang ber months ay panahon kung saan marami sa ating mga kababayan ang lumalabas at namimili kaya’t kapag rush hour ay di maiwasan ang pag-init ng ulo ng mga motorista.
Batay sa tala ng PNP-HPG, nito lamang Enero hanggang Hulyo, papalo na sa 11,000 ang naitatalang aksidente sa kalsada sa Metro Manila kung saan 500 katao ang naitalang nasawi sa disgrasya.
Ito’y kung saan nangungunang dahilan ng mga aksidente ay ang biglaang pagliko, sinundan ng overtaking at overspeeding.
Kaya payo ng PNP-HPG, magdoble-ingat at habaan ang pasensya sa pagmamaneho upang makaiwas sa disgrasya sa kalsada.
By Ralph Obina | Jonathan Andal