Pumalo na halos 300 ang bilang ng mga motoristang nasangkot sa aksidente sa kalsada ngayong Semana Santa.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Health mula sa 47 reporting sites nito.
Mula sa nasabing bilang ng mga biktima ng road accidents sa buong bansa, 235 ang hindi gumamit ng mga safety accessory tulad ng helmet o seatbelt; habang 20 ang nakainom ng alak.
221 naman ang kinasangkutan ng motorsiklo.
Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang mga motorista na iwasang uminom ng alak at siguruhing kumpleto ang tulog bago magmaneho upang maiwasan ang aksidente sa kalsada. —sa panulat ni John Riz Calata