Dedesisyunan agad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang kaso ng aroganteng driver na nang-away at nanakot ng isang babaeng pasahero.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na sisikapin ng ahensya na makapaglabas ng desisyon pagkatapos ng pagdinig sa Enero 12.
Gayunman, tiniyak ni Inton na dadaan sa tamang proseso ang kaso at bibigyang ng due process ang driver na si Roger Catipay at gayundin ang operator nito.
“Yung kaso po na laban sa operator at driver na overcharging, contracting of passenger, threatening the life of a passenger and arrogant driver lahat po yan ay diringgin ng LTFRB, yun po ang kanilang kaso sa amin, sa joint administrative order, ay magkakaroon po ng penalty po yan, fine at possible suspension o cancellation ng kanyang prangkisa.” Pahayag ni Inton.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita