Aabot na lamang sa limang probinsya mula sa tatlong rehiyon sa bansa ang apektadong African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, bumaba na sa walumput tatlo (83) mula sa mahigit tatlong libo (3,283) na mga barangay ang may aktibong kaso ng ASF.
Giit ni Dar na posibleng matulad sa COVID-19 ang ASF kung hindi susundin ang mga hog raiser health at quarantine protocols.
Samantala, hindi na nabanggit ng kalihim kung saan ang mga lugar ito. —sa panulat ni Airiam Sancho