Bumaba ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa unang quarter ng taong ito dahil sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng Department of Agriculture ng localized programs.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naitala na lamang sa 935 ang kaso ng ASF mula Enero hanggang Marso ng taong ito, kumpara sa 3, 060 cases na naitala sa third quarter ng 2020.
Sinabi ni Dar na malaking tulong ang modified protocols na pinaiiral ng ahensya pagdating sa managing, containing at controlling ng ASF sa bansa tulad na lamang ng pagkakaroon ng local veterinary quarantine checkpoints, disease investigation at surveillance sa tulong ng iba’t ibang grupo sa kada rehiyon at kinauukulang local government unit.
Kabilang dito aniya ang ‘Bantay ASF sa Barangay’ program na naglalayong protektahan ang ASF free small holders at commercial swine farms at pagandahin pa ang security at pro-active surveillance at sure aid program na magbibigay ng livelihood assistance sa mga hog raisers na apektado ng ASF.
Naniniwala si Dar na makakatulong din ang mga nasabing programa sa repopulation ng mga baboy sa bansa na naapektuhan ng ASF at aalamin ang financial support facilities para sa mga alternatibong livelihood projects sa ASF-affected farmers.