Nagkaroon na ng B.1.1.7 COVID variant at mutations sa Caraga Region.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health Caraga matapos umanong magpositibo sa bagong variant ang isang residente habang dalawang mutations naman ang isinasailalim sa imbestigasyon.
Ayon kay DOH regional director Cesar Cassion, ito’y batay sa isinumiteng samples sa Philippine Genome Center (PGC).
Sinasabing mula sa isang returning overseas Filipino na taga-Bislig City, Surigao del Sur ang nagpositibong B.1.1.7 variant habang ang sinusuri pang mutations ay galing sa mga residente ng Bislig at Buenavista sa lalawigan ng Agusan del Norte.