Umakyat na sa 17 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa B-117 o bagong variant ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom.
Ayon sa Department of Health (DOH), 12 sa mga ito ang namataan sa Bontoc, Mountain Province, dalawa mula sa umuwing Pinoy overseas worker mula Lebanon.
Isa sa La Trinidad sa Benguet, isa sa Calamba, Laguna at isang negosyante sa Quezon City na nagmula sa United Arab Emirates.
Labing dalawa (12) sa mga naturang kaso ay pawang mga lalaki at lima ang babae na nasa pagitan ng edad 18 hanggang 65 taong gulang.
Labing tatlo (13) sa mga nabanggit na kaso ng bagong variant ang aktibo, sampu ang mild cases habang tatlo sa mga ito ang asymptomatic.
Gayunman, tatlo pa sa mga nagpositibo sa bagong variant ng virus ang gumaling na mula sa naturang sakit.