Nakapagtala ang Japan ng pagtaas ng kaso ng bird flu.
Ito ay matapos bagong kaso ng sakit ang maitala sa Chiba at Fukuoka prefectures.
Batay sa pinakahuling datos ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries, umaabot na ngayon sa limampu’t apat ang kaso ng avian flu sa Japan mula sa dalawampu’t tatlong prefectures.
Sa isang poultry farm sa Chiba Prefecture, eastern Japan, malapit sa Tokyo, isang kaso ng avian flu ang nakumpirma sa pamamagitan ng genetic testing na humantong sa pag-culling ng humigit-kumulang sampung-libong manok.
Iniulat din ang bird flu sa isang sakahan sa Fukuoka Prefecture sa timog-kanluran ng Japan, kung saan humigit-kumulang apatnaraang mga ibon ang pinatay.