Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring naitalang cholera outbreak sa bansa.
Kasunod na rin ito nang pagtaas ng halos 300% ng kaso ng cholera ngayong taon.
Sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na manageable pa rin ang kaso ng nito bukod sa tuluy tuloy ang ugnayan nila ng mga ospital para tutukan at gamutin ang mga pasyenteng may cholera.
Tiniyak ni Vergeire ang patuloy nilang pagkilos para maayos ang sistema at pagaanin ang epekto ng natural calamities sa kalusugan ng publiko.