Umabot na sa halos apat na libo ang kaso ng cholera sa bansa simula Enero a – uno hanggang Oktubre a – otso.
Kumpara ito sa mahigit 1,000 cholera cases na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Batay sa Department of Health (DOH) National Cholera Surveillance Data, naitala sa regions 8, 11, at Caraga ang may pinaka-maraming kaso ng naturang sakit.
37 sa halos apat na libong kaso ang nagpapagaling pa.
Samantala, muling pinayuhan ng kagawaran ang publiko na ugaliin at panatilihin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran, partikular ang iniinom na tubig upang makaiwas sa sakit. – sa panulat ni Hannah Oledan